Garantisado umanong hindi aalis sa Kapamilya network si Shaina Magdayao.

Sa dalawang magkahiwalay na Instagram posts nilinaw ng aktres ang loyalty niya sa ABS-CBN.

“Isang taon na ang nakalipas…..Andito pa rin ang ating pamilya dahil sa pagmamahal natin sa isa’t-isa,” pahayag niya sa post noong Hulyo 10, na anibersaryo ng pagkakasara ng network.

“Just to address what’s going around – I am a Kapamilya and still with ‘FPJ’s Ang Probinsyano,’” dagdag pa ng aktres.

At nitong Linggo sa isa pang Instagram post ay nagpahayag ng pasasalamat si Shaina sa lahat ng kanyang mga tagasuporta, maging sa mga kasamahan sa ABS-CBN.

“Maraming salamat pong muli sa aming bosses for their inspiring courage and strength,” aniya.

“Maraming salamat po sa inyong mga Kapamilyang hindi kami binitawan. Maraming salamat po, Panginoon. DAHIL SA INYO, NANDITO PA DIN PO KAMI,” saad pa nito.

The post Shaina mananatiling Kapamilya first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/shaina-mananatiling-kapamilya/)