Natatangi ang kagandahan ng isla ng Siargao matapos itong makapasok sa ‘greatest places of 2021’ ng Time Magazine.

Ang nasabing listahan ay para sa mga tourist destination na nakapag-adjust sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Pinuri ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang Siargao sa pagkakasama sa nasabing listahan, at isa sa patunay na pinapanatiling ligtas ang turismo sa bansa sa kabila ng health crisis.

“I am pleased that the country’s innate beauty continues to draw attention from travelers all over the world despite the pandemic,” sambit ni Puyat.

“We are doubling our efforts to create a future of Philippine travel that is safe, more fun, and provides travelers with an authentic and meaningful experience throughout their journey,” aniya pa.

Sa report ng Time, pinuri ang Siargao hindi lamang sa pagiging tanyag nito sa mga surfer, kundi pati sa mga infrastructure na itinatayo sa isla na makakatulong para umusbong ang turismo.

“Just before Covid-19 shutdowns, Siargao got additional cell towers to improve data connectivity, which will be a boon to tourism when it reopens to vaccinated international travelers,” ayon kay Time writer Duncan Forgan.

The post Siargao pasok sa Time ‘2021 greatest places’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/siargao-pasok-sa-time-2021-greatest-places/)