Kinuwestiyon ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang pahayag ni presidential spokesperson Harry Roque na hindi umano umaksyon ang Kongreso sa panukalang batas para matigil na ang kontraktwalisasyon sa bansa.

Ayon kay Sotto, pumasa na sa Senado ang ‘Security of Tenure Bill’ ngunit na-veto lang ito ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2019.

“Inaccuracy galore! A certain exec is asking Congress to pass Anti Endo bill! Huh? WE DID! President vetoed it July 26, 2019!” sambit ni Sotto.

Matatandaan na noong 2019 ay hindi nilagdaan ni Duterte ang panukalang batas para malusaw na ang contractualization, dahilan nito’y dapat na magkaroon ng balanse sa pangangailangan ng mga employer at manggagawa.

Isa rin sa mga mambabatas na nakatutok sa anti-endo bill ay si Senador Joel Villanueva, kung saan sinabi nito na kanila agad inaksyunan ang panukalang batas matapos itong i-veto ng Pangulo noong 2019 kahit pa sinertipikahan itong urgent.

“Right after the Ending Endo bill was vetoed in 2019, we filed it immediately because it was never made clear to us the reason of the veto on a legislation certified as urgent and was deliberated extensively and comprehensively in Congress,” lahad ni Villanueva.

Tinawagan naman ng pansin ni Sotto ang Department of Labor and Employment para malaman kung anong nais nilang maging laman ng anti-endo bill.

The post Sotto sa anti-endo bill: Pinasa na namin, binasura ng Pangulo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sotto-sa-anti-endo-bill-pinasa-na-namin-binasura-ng-pangulo/)