Ngayon pa lamang ay dapat naghahanda na ang mga powerplant na malapit sa bulkang Taal upang hindi maapektuhan ang suplay ng kuryente sakaling pumutok ito.

Ayon kay Makati City Rep. Luis Campos Jr., delikado ang mga planta ng kuryente sa ashfall na maaaring magpabigat sa mga bubungan ng mga imprastraktura na magpapaguho rito at makapagdudulot ng flashover sa mga high voltage line dahil sa halumigmig na dala nito.

Maaari rin umanong bumara ang ash fall sa mga air intakes ng mga planta na magreresulta sa pagkasira ng mga turbine at boiler, magkontamina sa cooling reservoir na kailangan upang hindi mag-overheat ang mga planta.

“Our worry is volcanic ashfall, which could pose a hazard to Luzon’s power infrastructure, considering the high concentration of power plants in nearby Batangas City and the Municipality of Calaca,” sabi ni Campos.

Ang hilagang bahagi ng bulkan ay sakop ng munisipyo ng Talisay sa Batangas. Ito ay may layong 38 kilometro sa Batangas City kung saan naroon ang limang malalaking planta ng kuryente na nagsusuplay ng kabuuang3,286 megawatts (MW) sa Luzon grid.

Ang Calaca naman ay 29 kilometro ang layo sa Talisay ay narito ang anim na planta ng kuryente na nagsusuplay ng 1,100 MW.

“The entire power sector – from generation, transmission to distribution – should brace for the worst-case scenario wherein they might be overwhelmed by ashfall,” dagdag pa ni Campos.

Ang bulkang Taal ay nasa alert level 3, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

The post Suplay ng kuryente sa Luzon apektado kapag pumutok Taal first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/suplay-ng-kuryente-sa-luzon-apektado-kapag-pumutok-taal/)