Nagmamaw si Giannis Antetokounmpo sa game 3 ng NBA Finals sa kanyang 41 points at 13 rebounds upang tulungan ang Milwaukee Bucks na makuha ang 120-100 panalo kontra Phoenix Suns nitong Lunes (oras sa Pilipinas).

Hindi pumayag ang two-time MVP na mabaon sa serye ang kanyang koponan kaya naman toto-kayod ito at binuo agad ng Bucks ang 15-puntos na lamang pagkatapos ng first half.

Pinagpatuloy ito ng Milwaukee, na nakakuha ng 21 points at siyam na assist mula kay Jrue Holiday, sa second half upang maiuwi ang tambakang panalo at pababain ang lamang ng Phoenix sa serye sa 2-1.

Ito rin ang unang panalo ng Bucks sa finals mula 1974.

Nagdagdag pa ng 18 points si Khris Middleton habang tig-11 points naman ang ambag nina Brook Lopez at Bobby Portis.

Sinubukan ni Chris Paul na buhatin ang Suns sa kanyang 19 points at siyam na assist, at nagdagdag ng tig-18 points sina Jae Crowder at Deandre Ayton, ngunit 10 points lamang ang nagawa ng star player nilang si Devin Booker. 

The post Tam-Buck sa game 3! Milwaukee dinurog Suns, Giannis halimaw first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tam-buck-sa-game-3-milwaukee-dinurog-suns-giannis-halimaw/)