Sisiguruhin ng esports organization na TNC na agad itong magpaparamdam sa kanilang pagpasok sa professional league ng Mobile Legends sa bansa.

Simula MPL Season 8 ay ang dating lineup ng Work Auster Force ang babandera sa TNC.

Ang lineup ng TNC ay bubuuin nina Daniel ‘Chuuu’ Chu, Dylan ‘Light’ Catipon, Frediemar ‘3MarTzy’ Serafico, Clarense ‘Kousei’ Guzman at Patrick ‘P-GOD’ Ibarra na mga holdover mula sa nakaraang team ng Work.

Sasamahan sila ng mga bagong recruit ngunit beterano na sina Adrian ‘Toshi’ Bacallo at Douglas ‘ImbaDeejay’ Astibe, maging ng mga rookie na sina Der at Benthings.

Si Laurence ‘Lift’ Ruiz ang magiging coach ng koponan.

Bukod dito ay tangka pa ng TNC na magdagdag ng isang Singaporean player sa kanilang roster. 

The post TNC magpapasiklab sa MPL first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tnc-magpapasiklab-sa-mpl/)