Wala pang nakikitang dahilan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para ibalik ang number coding sa NCR.

Ayon kay MMDA chairperson Benhur Abalos Jr, ‘manageable’ pa ang trapiko sa EDSA at bumibigat lang ito tuwing rush hour.

Sa datos ng MMDA, nasa 399,000 sasakyan na kada araw ang dumadaan sa EDSA buhat nang magsimula ang pagpapatupad ng toll fee sa Skyway Stage 3.

Malapit na ang numero sa 405,000 sasakyan na dumadaan sa EDSA kada araw bago magsimula ang health crisis.

Paliwanag naman ni Abalos, sa oras na makumpleto na ang mga pagkukumpuni sa kalsada at masaayos na ang EDSA Bus Carousel system ay luluwag din ang nasabing highway.

Matatandaan na sinuspende ang number coding buhat nang magsimula ang COVID-19 pandemic para matugunan ang kakulangan ng mga public transport.

The post Traffic yaka pa! Balik coding ‘di pa kailangan – MMDA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/traffic-yaka-pa-balik-coding-di-pa-kailangan-mmda/)