Iminungkahi umano ng Inter-Agency Task Force (IATF) na isama ang Indonesia sa mga bansang sakop ng travel ban ng Pilipinas, ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque.

Aniya, nakarating na umano kay Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala ng IATF at pinagiisipan nitong mabuti ang travel ban sa kalapit na bansa.

“Iyan po ay magiging desisyon ni Presidente kasi ito po ay kauna-unahang pagkakataon kung magkakaroon po ng travel ban,” wika ni Duque.

Ang mungkahi ng IATF ay kaugnay ng matinding pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Indonesia, na ayon sa mga awtoridad ay dahil sa pagkalat doon ng Delta variant.

Nitong Miyerkoles ay pinalawig pa ng IATF ang travel ban sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates at Oman hanggang katapusan ng Hulyo.

The post Travel ban sa Indonesia iminungkahi ng IATF first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/travel-ban-sa-indonesia-iminungkahi-ng-iatf/)