Bakbakang Alaska-Blackwater ang magbubukas sa 46th season ng PBA ngayong Biyernes as Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Magsisimula ang opening ceremony ng alas-11:00 a.m ng umaga bago ang nabanggit na salpukan na sisipa ng alas-12:30 p.m. ng tanghali.

Aabangan sa first game para sa Blackwater ang paglalaro ni Baser Amer, na nakuha nila mula sa Meralco para kay Mac Belo.

Susundan ito ng sagupaang Rain or Shine at NLEX dakong alas-3:00 p.m. ng hapon. Dito ay sisiyasatin ang laro ni NLEX guard Kiefer Ravena na matatandaang nagtangkang umalis ng liga para maglaro sa Japan.

Titingnan din ang laro ni Road Warriors rookie Calvin Oftana, na ayon sa kanilang mga assistant coach ay mas magaling pa sa inaasahan.

Matatapos ang unang araw ng liga sa laban ng Meralco at Northport sa alas-6:00 p.m. ng gabi.

The post Triple-header bibida sa opening ng PBA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/triple-header-bibida-sa-opening-ng-pba/)