Patong patong na kaso ang kakaharapin ng isang Fil-Chinese na nakipaghabulan sa mga pulis sa Quezon City matapos itong mahulihan din ng hinihinalang shabu sa kanyang BMW.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) director PBGen. Antonio Yarra, nakita ang isang pakete ng puting substance sa loob ng kotse ng suspek na si Arvin Tan.

“During sa search sa kanyang kotse, ‘yung black BMW, may narekober dito na open plastic sachet with white crystalline substance believed to be shabu and one small aluminum foil strip,” lahad ni Yarra.

Dahil dito’y isasalang sa drug test si Tan para malaman kung gumagamit ba ito ng iligal na droga.

Unang hinuli si Tan matapos niyang takasan ang kanyang bill sa SOGO hotel sa Timog Avenue.

Imbes magbayad ay humingi pa umano ng P20,000 si Tan sa staff ng hotel, dahilan para rumesponde ang mga pulis.

Lahad ni Yarra, may kaso pang kinaharap si Tan nang manggulo ito sa headquarters ng Manila Police District noong 2017,

“Doon sa previous incident niya sa Manila, ina-allege nila na siya ay may sakit sa pag-iisip, so ‘yun din ay ating tinitignan, at subject ngayon yan ng ating medical examination na ginagawa sa kanya,” sambit ng QCPD director.

The post Tsinoy na nakipaghabulan sa mga pulis, bistado sa shabu first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tsinoy-na-nakipaghabulan-sa-mga-pulis-bistado-sa-shabu/)