Kasabay ng National Disability Prevention & Rehabilitation Week, nilunsad sa Pasig City ang pagbabakuna para sa mga person with disability (PWD).

Sa tweet ni Vico, binuksan ang isang vaccination site para lamang sa mga taong may kapansanan.

“This National Disability Prevention & Rehabilitation Week, we are making an extra effort to vaccinate more of our Persons With Disabilities. This morning we dedicated a site for them,” ayon kay Sotto.

Masayang binahagi din ni Sotto na 100,000 residente ng Pasig ang nakatanggap na ng ikalawang dose ng bakuna.

Ngunit sa hiwalay na tweet ay sinabi nito na wala na silang supply ng bakuna para sa first dose.

“The supply chain is a global issue. We can’t blame anyone. What matters is our capacity is good (it’s higher than planned),” sambit ng alkalde.

The post Vico Sotto kinasa bakuna para sa mga PWD first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/vico-sotto-kinasa-bakuna-para-sa-mga-pwd/)