Wala sa plano ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang pagtakbong Pangulo sa 2022, o kahit sa hinaharap.

Saad ng batang mayor, hindi pasok ang kanyang edad para maging presidente ng bansa, at mas nakatuon siya sa kanyang trabaho sa Pasig City.

“Kalokohan lang yun. Una 32 lang ako. I don’t entertain those thoughts, whether now or the future. Dapat magfocus ako sa trabaho ngayon,” sambit ni Sotto sa panayam ng ANC.

Ngunit inamin ni Vico na nakipagkita siya sa partido ng kanyang tito na si Senate President Vicente Sotto III, ngunit hindi raw naging detalyado ang kanilang pag-uusap at ayaw niya ring makisali sa national politics.

Hinayag naman ni Sotto na siguradong muli siyang tatakbo bilang alkalde ng Pasig sa susunod na eleksyon.

“Definitely. We’ve made a lot of gains pero sa totoo lang limited ang nagawa namin dahil sa pandemya,” ayon sa alkalde.

“Sa 2 taong mayor ako, 9 months lang ang walang pandemic. We had 9 months to clean things up. We’re building momentum steadily,” aniya pa.

The post Vico Sotto sa pagtakbong Pangulo: Kalokohan lang ‘yun first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/vico-sotto-sa-pagtakbong-pangulo-kalokohan-lang-yun/)