Kung si Vice President Leni Robredo ang tatanungin, tama lang na silipin ng Senado ang mga troll farm dahil sa report ng posibleng ginagamitan ito ng pondo mula sa gobyerno.

Paliwanag ni Robredo, nahihirapan ang publikong magsalita kontra sa administrasyon dahil sa paglaganap ng troll buhat nang magsimula ang panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016.

“Mula 2016, magkontra ka sa administrasyon, isa-swarm ka ng mga trolls. Ang karapatan mong pumuna ay nawawala kasi natatakot ang mga tao,” saad ni Robredo sa kanyang radio program.

Aniya, ‘matter of life and death’ ang pagkalat ng mga troll farm sa bansa.

“Kasi kung hindi mahinto, ito na ang kalakaran. Naging mas delikado pa ito during the pandemic. Naalala mo, March 2020, nagsasabi na tayo na kailangan mag-border control na, mga flights galing ng China, kasi nakakatakot na. Yung pumupuna noon, pinuputakti,” paliwanag pa ng Bise Presidente.

12 senador ang naghain ng resolusyon para imbestigahan ang mga troll farm operator na nagbabalat-kayo umanong mga ‘social media consultant’ at ‘public relations practitioner’.

The post VP Leni: Mga troll farm lubhang delikado first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/vp-leni-mga-troll-farm-lubhang-delikado/)