Sumuko ang isang lider ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) kasama ang 10 niyang tauhan sa mga militar sa Shariff Aguak, Maguindanao nitong Biyernes.

Kinilala ni Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., Kumander ng Western Mindanao Command, ang pinuno umano ng mga rebelde na si alyas “Molawin.”

Samantala, tinukoy naman ang 10 nitong kasamahan na sina alyas Nasrullah, Salahuddin, Esmail, Rahim, Haron, Rahib, Tapa, One Eye, Naser, at Kasim.

Ayon sa ulat ng GMA News, tinulungan ng mga punong-barangay ng Kuloy at Tapikan ang 11 rebelde na sumuko sa mga awtoridad.

Ilan sa sinurender ng 11 armadong indibidwal ang dalawang improvised explosive devices, isang 60mm Mortar, isang kalibre .45 pistol. at 5.56mm M16 rifle, at dalawang kalibre ng .30 Barret.

Kaugnay nito, sinabi ng Joint Task Force Central na 87 rebelde na ang sumuko sa militar ngayong taon.

The post 1 lider, 10 rebelde surender sa militar sa Maguindanao first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/1-lider-10-rebelde-surender-sa-militar-sa-maguindanao/)