Isa pang Pilipino ang nailakas mula sa Afghanistan ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA). Ngunit anila, may naiwan pang 26 Pinoy doon.

Anang ahensya, nakaalis na ng Kabul ang Pinoy at nasa biyahe na patungong United Kingdom.

Samantala, may 36 pang Pinoy na una nang nai-rescue ang pabalik na rin sa bansa.

Ayon sa ulat ng GMA News, nasa 183 na ang kabuuang bilang ng mga Pinoy na nasagip sa naturang Middle eastern country dahil sa kasalukuyang kaguluhan doon.

Sinakop na kasi ng rebeldeng grupo na Taliban ang naturang bansa at kinuha ang kontrol at kapangyarihan mula sa Afghan government.

Dahil dito, itinaas sa Alert Level 4 ang estado na nangangahulugan ng mandatory evacuation para sa kaligtasan ng publiko.

The post 1 pang Pinoy nakasibat sa Afghanistan, 26 tengga pa first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/1-pang-pinoy-nakasibat-sa-afghanistan-26-tengga-pa/)