Dumami pa sa 32,464 ang bilang ng naitalang kaso ng Philippine National Police (PNP) na nasapol ng COVID-19 matapos maitala ang 106 bagong kaso kahapon.

Nadagdagan naman ng 93 parak ang gumaling mula sa virus dahilan para umakyat pa sa 30,402 ang nakarekober mula sa naturang sakit.

Bahagyang umakyat naman sa 92 ang death toll rate ng PNP matapos maitala ang isang bagong nasawi kahapon.

Kasalukuyang umabot na sa 1,970 ang aktibong kaso ng COVID sa naturang ahensya.

The post 106 pulis nadale ng COVID-19 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/106-pulis-nadale-ng-covid-19/)