Naitala nitong Linggo ang 120 COVID cases sa kawanihan ng Philippine National Police (PNP).

Dahil dito, sumipa na sa 34,429 ang kabuuang bilang ng pulis na nasapol ng naturang virus.

Umakyat naman sa 32,350 ang bilang ng mga gumaling matapos maitala ang 62 bagong nakaligtas mula sa COVID mula sa kanilang ahensya.

Nanatili naman sa 104 ang death toll rate nito.

Kasalukuyang lumobo na sa 1,975 ang total ng mga COVID active case sa PNP.

The post 120 pang lespu positibo sa COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/120-pang-lespu-positibo-sa-covid/)