Namaga pa sa 32,464 ang bilang ng naitalang kaso ng Philippine National Police (PNP) na nagpositibo sa COVID-19 matapos maitala ang 106 bagong kaso kahapon.

Nadagdagan naman ng 86 parak ang nakaligtas mula sa virus dahilan para umakyat pa sa 31,391 ang nakarekober mula sa naturang sakit.

Nanatili naman sa 92 ang death toll rate ng PNP.

Sa ngayon, meron ng 1,813 aktibong kaso ng COVID ang naturang ahensya.

The post 132 pulis nahawa ng COVID-19 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/132-pulis-nahawa-ng-covid-19/)