Halos sumipa na sa 32,000 ang kaso ng COVID-19 sa kawanihan ng Philippine National Police (PNP) matapos maitala ang 146 karagdagang kaso kahapon.

Sa ulat ng PNP, nasa 31,933 parak na ang nagpositibo sa naturang virus.

Umakyat naman sa 29,977 pulis ang mga nakarekober mula sa sakit matapos maitala ang 90 bagong gumaling.

Nanatili naman sa 88 ang death toll rate ng ahensya.

Dahil dito, kasalukuyang may 1,868 aktibong kaso na ang PNP.

The post 146 pang pulis dinapuan ng COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/146-pang-pulis-dinapuan-ng-covid/)