Patuloy na record-breaking ang naitatala ng Pilipinas pagdating sa bilang ng mga COVID cases matapos makapagtala ng 14,249 na mga bagong kaso ngayong Sabado.

Ang naturang bilang ay ang pangalawang pinakamataas na naitalang bagong kaso sa loob ng isang araw.

Kaya naman lumobo na sa 1,727,231 ang kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, kung saan 98,847 ang mga aktibong kaso.

Naitala rin ang 24.9% positivity rate mula sa 52,679 katao na sumailalim sa COVID test. Ito na ang ika-67 sunod na araw na lagpas 20% ang positivity rate.

Bukod pa rito, umabot na sa 30,070 ang lahat ng mga nasawi nang maitala ng Health Department ang pagkamatay ng 233 indibidwal dahil sa virus.

Samantala, nakapagtala naman ng 11,714 katao na gumaling kaya’t lahat ng mga nakarekober ay 1,598,314.

The post 14K bagong COVID cases naitala first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/14k-bagong-covid-cases-naitala/)