Kasalukuyang 31,814 kawani na ng Philippine National Police (PNP) ang gumaling mula sa COVID-19 matapos maitala ang 165 bagong nakarekober nitong Martes.

Samantala, nadagdagan naman ng 129 ang bagong nagpositibo sa virus.

Sa kabuuan, 33,702 parak na ang tinamaan ng COVID-19.

Bahagya namang umakyat sa 101 ang death toll rate ng ahensya matapos itong madagdagan ng isa.

Sa ngayon, 1,787 na ang aktibong kaso ng COVID sa PNP.

The post 165 parak naligtas sa COVID, 129 bagong nadale first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/165-parak-naligtas-sa-covid-129-bagong-nadale/)