Sumipa na sa 33,585 ang kaso ng COVID-19 sa kawanihan ng Philippine National Police (PNP) matapos maitala ang 168 karagdagang kaso nitong Lunes.

Sa ulat ng ahensya, umakyat na rin sa 31,661 pulis ang mga nakarekober mula sa sakit matapos maitala ang 189 bagong gumaling.

Nanatili naman sa 100 ang death toll rate ng PNP.

Dahil dito, kasalukuyang may 1,824 aktibong kaso na ang kapulisan.

The post 168 pang pulis nakatikim ng COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/168-pang-pulis-nakatikim-ng-covid/)