Tumaas pa sa 32,631 ang kabuuang bilang ng mga kawani ng Philippine National Police (PNP) na tinamaan ng COVID-19 matapos maitala ang 176 karagdagang kaso kahapon.

Samantala, naitala rin ang 157 bagong nakaligtas sa naturang virus. Sa kabuuan, 30,550 pulis na ang gumaling mula rito.

Umakyat naman sa 96 ang death toll rate ng ahensya matapos madagdagan ng 4 ba natsugi kahapon.

Kasalukuyang pumalo na sa 1,985 parak ang nagpapagaling mula sa virus.

The post 176 pang pulis nadale ng COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/176-pang-pulis-nadale-ng-covid/)