Sapol ng COVD-19 ang dalawang sanggol sa Pasay City.

Batay sa ulat ng Teleradyo, kasalukuyang naka-admit sa Pasay City General Hospital and dalawang baby.

Ayon kay Dr. John Victor de Gracia, direktor ng nasabing ospital, kasalukuyang 5 sanggol ang naka-confine sa kanilang pagamutan dahil tinaaman ng naturang virus ang kanilang ina.

Nang isailalim sa COVID test ang mga ito, napag-alamang dalawang baby dito ay positive kung saan ang isa rito ay kritikal ang kondisyon at inilipat sa Neonatal Intensive Care Unit upang mas matutukan.

Dahil dito, tiniyak ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubian na tutulungan nila ang pamilya ng limang sanggol.

The post 2 baby nadale ng COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2-baby-nadale-ng-covid/)