Dalawang indibiduwal na fully vaccinated na ng Sinovac vaccine ang nabuking sa pagpapaturok ng ibang brand sa Quezon City.

Ayon sa local government, kinasuhan na ang dalawang indibiduwal sa paglabag sa Anti-COVID-19 Vaccine Fraud Ordinance.

Isa umano sa mga ito ang tumanggap ng ikalawang dose ng Sinovac vaccine sa Mandaluyong City noong Mayo 10 habang ang isa ay sa vaccination center ng QC.

Nakapagpabakuna ng Moderna vaccine ang una habang ang pangalawa ay Pfizer vaccine.

Sabi ng local government, nadiskubre ang ginawa ng dalawa matapos ipagmalaki sa kanilang mga social media post na nabakunahan sila ng ikatlong dose ng COVID vaccine.

Nakasaad umano na sinumang lumabag sa nabanggit na ordinansa ay magmumulta ng P5,000 at/o kulong ng hindi bababa sa isang buwan ngunit hindi hihigit sa anim na buwan.

Samantala, kinondena naman ni Mayor Joy Belmonte ang kagahaman at pagiging makasarili ng dalawang indibiduwal na hindi pinangalanan.

“We in the local government are taking this matter seriously. We will not tolerate actions like this especially that a good number of individuals have yet to receive their first vaccine dose, not just in our city but in our country in general. Nagkakagulo na nga para lang makakuha ng bakuna ang mga tao, may manlalamang pa,” lahad ni Belmonte.

https://www.facebook.com/QCGov/posts/637384507649310

The post 2 bakunado ng Sinovac nagpaturok uli sa QC huli first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2-bakunado-ng-sinovac-nagpaturok-uli-sa-qc-huli/)