Nakauwi na sa bansa ang 271 overseas Filipino workers mula Vietnam sakay ng isang special chartered flight nitong Linggo.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, 163 sa mga OFW ay mula Ho Chi Minh City at 108 naman mula Hanoi.

Binigyan naman ng $200 ang mga nakauwing OFW bilang reintegration assistance.

Ani Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola, nakatakda rin nilang sunduin ang mga repatriated OFW sa Oman bilang hakbang sa sa pagtulong nila sa mga kababayang naipit sa ibang bansa ngayong pandemya.

“The Department will continue to address the situation in Oman. Two more repatriation flights are scheduled this 10 and 25 of August, congruent with the Department’s continuing commitment to bring home our kababayans amidst the travel restriction due to the on-going COVID-19 pandemic,” sambit niya.

The post 271 OFW mula Vietnam nakabalik na ng bansa – DFA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/271-ofw-mula-vietnam-nakabalik-na-ng-bansa-dfa/)