Ilang araw bago matapos ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila, sinabi ng Palasyo na 29% sa mga residente nito ang nakatanggap ng ayuda.

Ani presidential spokesman Harry Roque, 3,299,290 milyon residente lang kasi ang naambunan ng cash aid na P1,000 kada indibidwal at maximum na P4,000 para sa isang pamilya.

Batay sa ulat ng GMA News, nanguna ang lungsod ng Quezon sa pamimigay ng ayuda kung saan mahigit 651,000 katao ang nakatanggap nito.

Samantala, panghuli naman ang bayan ng Pateros kung saan nasa 18,000 katao lang nabigyan ng cash aid.

Nagtalaga ang pamahalaan ng P11.3 bilyon bilang cash assistance sa mga low-income na residente ng NCR na maaapektuhan ng pinairal na ECQ.

Nakatakdang magtapos ang ECQ sa NCR sa Biyernes, Agosto 20.

The post 29% ng populasyon sa Metro Manila natanggap ECQ ayuda – Palasyo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/29-ng-populasyon-sa-metro-manila-natanggap-ecq-ayuda-palasyo/)