Matapos lumapag ng mahigit 800,000 Pfizer COVID-19 vaccine nitong Miyekorles, dumating na rin sa bansa nitong Huwebes ng gabi ang 2 milyong doses ng Sinovac.

Ayon sa ulat ng GMA News, karga ng Flight PR359 ang naturang batch ng bakuna na siyang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport alas-7:20 kagabi.

“Ang concentration nito nationwide ito. So ‘yung 1 million for our NCR Plus… plus ‘yung one million dadalin natin… sa provinces,” ani vaccine czar secretary Carlito Galvez Jr. na siyang sumalubong sa mga bakuna.

Samantala, kasalukuyan pang nakaantabay ang NTF COVID-19 sa 578k Astrazeneca vaccines at 15k doses ng Spitnik V Comp 2 na siyang inaaasahang dadating ngayong Biyernes.

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/mahigit-800k-pfizer-covid-vaccine-lumapag-na-sa-pinas/

The post 2M Sinovac vaccine dumating na sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2m-sinovac-vaccine-dumating-na-sa-pinas/)