Nang dahil lang sa pagbili ng bottled water, nagwagi ng tig AED250,000 (P3.4 milyon) ang tatlong OFW sa United Arab Emirates (UAE) sa raffle draw ng naturang produkto.

Kinilala ang mga maswerteng nanalo na sina Dominique Florence Odiaman, 26-anyos, Randul Poquiz, 51-anyos, at si Armando Bautista, 45-anyos.

Ang naturang raffle ay inoorganisa ng Mahzooz at ginaganap tuwing linggo. Upang makasali, kailangan lamang bumili ng isang bottled water na nagkakahalagang AED35 na may katumbas agad na isang taya.

Bukod dito, ang mga pinantataya sa Mahzooz ay donasyon sa mga community outreach program sa UAE.

Sa pagkapanalo ng tatlo, umakyat na sa walo ang lahat ng OFW na nagwagi sa naturang raffle.

The post 3 OFW naka-jackpot sa raffle sa UAE first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/3-ofw-naka-jackpot-sa-raffle-sa-uae/)