Arestado ang tatlumpu’t isang lalaki matapos umanong ilegal na mangisda sa Ternate, Cavite nitong Linggo.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, hinuli ng mga kawani ng Philippine Coast Guard ang mga lalaking sakay ng limang bangka.

Batay sa report, naispatan ng mga awtoridad na nangingisada ang mga ito sa Kayokno Island at Panimam.

Nang hingan naman sila ng permit na nagpapakitang maaari silang mangisda sa naturang lugar, nganga ang mga mangingisda.

Anang PCG, gumamit din ng mga air compressor ang grupo na siyang labag sa 1998 Fisheries Code of the Philippines.

Kasalukuyang nahaharap sa karampatang kaso ang 31 lalaki.

The post 31 kelot ilegal na nangisda sa Cavite, timbog first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/31-kelot-ilegal-na-nangisda-sa-cavite-timbog/)