Sumampa na sa 31,000 indibidwal ang naitala ng Philippine National Police (PNP) na kawani nilang gumaling mula sa COVID-19. Ito ay matapos maitala ang 331 bagong nakarekober kahapon.

Nadagdagan naman ng 162 ang bagong nagpositibo sa virus. Sa kabuuan, 32,919 parak na ang timamaan ng COVID-19.

Wala namang napaulat na bagong nasawi dahil sa sakit at nanatili sa 98 ang death toll rate nito.

Kasalukuyang 1,814 na ang aktibong kaso ng COVID sa PNP.

The post 331 pulis naligtas sa COVID, 162 bagong tinamaan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/331-pulis-naligtas-sa-covid-162-bagong-tinamaan/)