Dumating na ang 362,700 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine sa bansa nitong Miyerkoles.

Lumapag ang naturang batch ng bakuna sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 bandang alas-9 ng gabi.

Samantala, nanuna naman nang dumating ang 50,310 doses sa Cebu pasasdo alas-6 ng gabi.

Ayon sa ulat ng GMA News, may darating ding karagdagan pang 50,310 doses ng COVID vaccine sa Davao ngayong Huwebes.

Anang National Task Force Against COVID-19, ang matitirang bakuna rito ay dadalhin sa Pharmaserv Express sa Marikina City.

The post 362K Pfizer COVID vaccine lumapag na sa bansa first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/362k-pfizer-covid-vaccine-lumapag-na-sa-bansa/)