Naitala ng Department of Health (DOH) kahapon ang 466 karagdagang Delta varaint case sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 1,273 indibidwal ang tinamaan ng mas nakahahawa at mas nakamamatay na COVID variant.

Ayon sa DOH, 442 sa bagong kaso ay local case at 14 ay mula sa returning overseas Filipinos.

Kasalukuyan namang tinutukoy pa ang pinagmulan ng 10 kaso.

Batay sa ulat ng departmento, numero uno sa dami ng Delta variant ang Metro Manila.

201 kasi mula sa bagong kaso ay galing dito.

Sumunod naman ang Central Luzon kung saan nakapagtala ng 69 bagong nasapol ng Delta variant at Western Visayas kung saan may 52 bagong nadale nito.

Nito lamang Lunes nang maitala ang record high na 18,332 bagong kaso ng COVID na siyang pinakamataas na bilang ng new infections na naitala ng DOH mula nang dumating ang virus sa bansa.

The post 466 pang indibidwal sapol ng Delta variant first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/466-pang-indibidwal-sapol-ng-delta-variant/)