Limang parokya sa lungsod ng Malabon ang ginawang COVID-19 vaccination site habang nakasailalim ang Metro Manila sa enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon sa ulat, pansamantalang ginawang bakunahan kontra COVID ang San Bartolome Parish sa Tanong, San Antonio De Padua Parish sa Tonsuya, Saints Peter and John Parish sa Potrero, Immaculate Conception Parish sa Concepcion, at Immaculate Heart Parish sa Maysilo.

Base sa report, may nakatakdang araw lang ang mga naturang simbahan kung kailan magkakaroon ng pagbabakuna doon.

Ayon pa sa ulat, 500 COVID vaccines ang ibibigay sa kada parokya. Ani Fr. Rene Bernardo sa ABS-CBN News, maaaring mabakunahan pa ang kargdagang 2,500 indibidwal sa kanilang lungsod basta’t may available na suplay ng bakuna.

The post 5 simbahan sa Malabon ginawang bakunahan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/5-simbahan-sa-malabon-ginawang-bakunahan/)