Anim na indibidwal ang nasapol ng COVID-19 Delta variant sa probinsya ng Marinduque.

Ayon sa ulat ng GMA News, naitala ang anim na kaso sa dalawang barangay sa munisipalidad ng Santa Cruz.

Dahil dito, nagpatawag ng emergency meeting si Mayor Antonio Uy upang talakayin ang mga hakabang sa pag-iwas ng patuloy na pagkalat ng Delta variant sa kanilang lugar.

“Sunday Night Emergency Meeting after the inspection of the 2 Brgys by Dra. Menchie Pondevida where delta variant were detected and confirmed. (6 documented + 1 untested)” saad niya sa kaniyang Facebook post.

“We made sure that our contingencies were in place and foods, medicines, tents, and isolation units are prepared for the stricter quarantine that will be imposed. Also we checked the available manpower that can be tapped at any time,” dagdag pa niya.

Nito lamang Sabado nang ilabas ng kanilang lokal na pamahalan ang Executive Order 28 kung saan nakasaad na isasailallim ang kanilang probinsya sa general community quarantine mula Agosto 16 hanggang 31 upang maiwasan ang paglobo ng ng COVID cases sa kanila.

The post 6 kaso ng Delta naitala sa Marinduque first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/6-kaso-ng-delta-naitala-sa-marinduque/)