Tinatayang nasa 60% ng apektadong pamilya sa Metro Manila ang nabigyan ng cash aid ayon sa Department of the Interior and the Local Government (DILG).

Anang ahensya, mayorya sa mga lokal na pamahalaan sa Nation Captital Region ay hahabulin pa ang deadline ng pamimigay ng ayuda sa katapusan ng Agosto.

Dagdag pa ni DILG spokesperson Jonathan Malaya, mas naging maayos ang pagbibigay ng ayuda ngayong enhanced community quarantine sa Metro Manila kumpara sa mga nakalipad na locdown.

Aniya, karamihan kasi ng LGUs ay sinimulan nang ikasa ang paggamit ng e-payment.

The post 60% populasyon sa NCR naambunan ng ayuda first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/60-populasyon-sa-ncr-naambunan-ng-ayuda/)