Tinaaman ng COVID-19 Delta variant ang pitong indibidwal sa Quezon Province nitong Biyernes.

Batay sa ulat ng Quezon Integrated Provincial Health Office (IPHO), apat sa mga nagpositbo ay mula bayan ng Dolores habang ang dalawa naman ay mula Sariaya.

Naitala rin ang isang kaso sa bayan ng Tiaong at isang Beta variant case naman sa Sariaya.

Anang Quezon IPHO, tatlo sa mga nabanggit ay nakarekober na.

Ayon sa ulat ng GMA News, Candelaria ang may pinakamataas na kaso ng COVID sa naturang lalawigan.

Nito lamang Sabado nang makapagtala ang naturang bayan ng 289 bagong kaso ng COVID.

The post 7 katao sapol ng Delta variant sa Quezon Province first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/7-katao-sapol-ng-delta-variant-sa-quezon-province/)