Nasa 90 Pinoy pa ang hindi makaalis ng Afghanistan dahil sa hirap at kakaunti na lamang ang mga byahe palabas ng naturang bansa, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

“As experienced by the groups last night, access to and even within the airport is very difficult, and if able to check in, this is still not assurance that a flight would be able to leave,” saad sa statement ng DFA.

Ayon sa ahensya, dalawang beses nilang tinangkang ibyahe ang mga Pinoy papuntang India at Pakistan ngunit nakansela ang mga flight.

Tinitiyak naman ng DFA na ginagawa nila ang lahat para mailigtas ang mga Pinoy sa Afghanistan, na napasakamay na ng grupong Taliban.

Dagdag pa ng ahensya, may ilang mga Pinoy na ang nakalabas ng naturang bansa sa tulong ng kanilang mga employer.

The post 90 Pinoy nasa Afghanistan pa – DFA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/90-pinoy-nasa-afghanistan-pa-dfa/)