Nasa 4,262,546 residente ng National Capital Region (NCR) ang fully vaccinated na kontra COVID-19 ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Benhur Abalos.

Aniya, 43.5 porsyento na ng eligible residents sa NCR ang nakakumpleto ng ng bakuna.

“Those who got the first dose is about 75 percent of the whole eligible population of the NCR and those who have completed two doses as of now, as August 22, is 43.5 percent,” sambit niya sa isang forum.

Dagdag pa rito, sinabi rin ng opisyal na maaaring maging fully vaccinated na ang 50 porsyento ng mga eligible na indibidwal sa katapusan ng Agosto.

Matatandaan una nang sinabi ng pamahalaan na target nilang mabakunahan ang 58 milyon katao sa bansa bago matapos ang taon para maabot ang inaasam na herd immunity kontra COVID-19.

The post Abalos: 4.2M katao sa Metro Manila fully vaccinated na vs COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/abalos-4-2m-katao-sa-metro-manila-fully-vaccinated-na-vs-covid/)