Nagpositibo sa COVID-19 si Armed Forces of the Philippines chief Lieutenant General Jose Faustino Jr. matapos sumailalim sa isang antigen test.

Kinumpirma ito ng tagapagsalita ng Sandatahang Lakas na si Colonel Ramon Zagala ngayong Lunes.

“Prior to this meeting, the chief of staff tested positive in the antigen test so he’s in self isolation, and that we also conducted RT-PCR on him and we are awaiting for the results,” wika niya sa isang press conference.

Sambit niya, kasalukuyang naka-quarantine na ang hepe.

Sumailalim na rin umano sa antigen test ang mga nakasalamuha ng opsiyal at kasalukuyang inaantabayanan ang test results.

Ayon sa ulat ng GMA News, ilalabas ang RT-PCR test result ni Faustino ngayong araw, alas-3 ng hapon.

The post AFP chief Jose Faustino COVID positive sa antigen test first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/afp-chief-jose-faustino-covid-positive-sa-antigen-test/)