Inaasahang magdudulot ng pag-ulan ang southwest monsoon o habagat sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, at Cagayan Valley ayon sa PAGASA.

Sa kanilang weather forecast nitong Huwebes, inabisuhan ng ahensya ang mga residente sa mga nasabing lugar na maghanda para sa maaaring flashfloods o landslides dala ng malakas na pag-ulan.

Samantala, inaasahang magiging mukilimlim at maulan din sa buong NCR at bansa dulot ng localized thunderstorms.

Nagbabala rin ang ahensya na maaari anilang mauwi sa flash floods o landladies ang ulan sa kung sakaling lumakas pa ito.

The post ALAMIN: Ilang lugar sa Luzon uulanin dahil sa habagat first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/alamin-ilang-lugar-sa-luzon-uulanin-dahil-sa-habagat/)