Maging si Alex Gonzaga ay hindi nakaligtas sa mga mabibilis ang kamay sa EDSA.

Nito lang kasing Miyerkoles nang ibahagi niyang nahablot ang cellphone niya sa EDSA kahit na nakasakay pa siya sa sasakyan.

“Si sofie po may hawak ng phone ko at mabagal takbo ng trapiko kaya nung may pinapicture ako sa kanya biglang nahablot agad cellphone ko habang hawak nya,” saad niya sa kangang Facenook post.

Buti na lang aniya, maraming tumulong sa kanyang drayber na habulin ang suspek at nabawi ang cellphone.

“Got my phone back after mahablot sa edsa!!! Thank you so much sa Guadalupe nuevo police sub-station 7 for helping us. Grabe taas dalawa kamay namin sa galing at bilis ng action nyo mga sir.

Salamat din Talaga sa driver ko Kay kuya arvi kasi hinabol nya yung mga snatcher at maraming motorista and mga kapwa na nasa kalsada ang nakihabol at tulong sa paghuli ng isa sa mga snatchers,” anang aktres

Ang nakakatawa pa, tagasubaybay pala niya ang humablot sa telepono niya.

“Salamat sa asawa ng snatcher ko dahil subscriber daw pala sila!”

Dahil dito, mas naniwala si Alex na mas marami pa ring busilak ang puso kesa sa masasama ang loob

“Thank you Lord! Marami pa rin talaga ang mas mabubuti at matulungin na kapwa natin.”

Halo naman ang reaksyon ng mga netizen dito.

May ibang natuwa para sa kanya, may iba namang sinilip ang pagiging celebrity niya kaya todo effort ang kapulisan sa pagtugis sa snatcher.

Chasty Jugueta: “Sana lhat ng nahahablutan sa Edsa naibabalik. Sayang tablet ng anak ko. Trauma pa inabot ko:( BUTI PA PAG ARTISTA AKSYON AGAD”

Tumugon naman ang aktres dito at sinabing: “Chastity Jugueta hello hindi po dahil artista nasakto lang po nahabol. Namin ang isa sa snatcher at nahablot po Ang cellphone ko sa kasama kong si sofie. Kung may lead na po i think mas madali tayo matutulungan.”

The post Alex hinablutan sa EDSA, snatcher subscriber pala niya first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/alex-hinablutan-sa-edsa-snatcher-subscriber-pala-niya/)