Natukoy na kung saan kukunin ang pondo na pambayad sa hindi pa naibibigay na special risk allowance ng mga health care worker.

Sa briefing ng House Committee on Health, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na kukunin ang pondo sa Miscellaneous Personnel Benefit Fund.

“Mayroon tayong na-identify na, which we will get according to DBM Undersecretary Tina Canda from the Miscellaneous Personnel Benefit Fund, ilalabas ito P311 million, within the day,” sabi ni Duque. “So hopefully by tomorrow, we can start implementing this.”

Ibibigay ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo sa Department of Health (DOH) na siya namang magbibigay nito sa mga ospital.

Nauna rito, binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng 10 araw ang DBM at DOH para ibigay ang allowance ng mga health care worker sa loob ng 10 araw.

The post Allowance ng mga health care worker ibibigay na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/allowance-ng-mga-health-care-worker-ibibigay-na/)