Suspendido uli ang college entrance test ng Ateneo de Manila University ngayong taon dahil sa COVID-19 pandemic.

“Ateneo de Manila University is once again suspending the administration of the Ateneo College Entrance Test (ACET) as part of the first-year and transfer application process for School Year 2022-2023,” pahayag ng unibersidad sa kanilang website.

Katulad noong nakaraang taon, pipili ang Ateneo ng mga freshman para sa School Year 2022-2023 sa pamamagitan ng academic at non-academic performance ng aplikante.

Kabilang din sa ikokonsidera ang batch ranking sa Grade 11 ng aplikante, personal admission essay, recommendation letter, mga extracurricular activity at disciplinary record nito.

Magsisimula umano ang application period sa September 2021 ngunit iaanunsyo pa ang eksaktong petsa nito.

The post Ateneo wala ulit entrance exam first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ateneo-wala-ulit-entrance-exam/)