Magandang ideya umano kung iimbitahan din si dating Budget Secretary Wendel Avisado sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee sa paggamit ng pondo ng Department of Health (DOH), ayon kay Senadora Risa Hontiveros.

Si Avisado ay nagbitiw bilang kalihim ng Department of Budget and Management (DBM) dahil sa kadahilanang medikal.

“It would be a good idea also to invite former Sec. Avisado to the hearing he resigned just recently before the budget debates go into high gear,” pahayag ni Hontiveros sa panayam sa ANC.

Dahil nagbitiw na si Avisado, si DBM officer-in-charge Tina Rose Marie Canda ang sumasagot sa tanong mga senador na unang pagdinig ng Senate ribbon committee noong nagdaang linggo.

“I believe that he will appear but really, the man on the hot seat is the former head of that procurement service of the DBM,” sabi ni Hontiveros.

Ang tinutukoy niya ay si dating DBM undersecretary Lloyd Christopher Lao, na ipinatawag din para dumalo sa ikalawang pagdinig nitong Miyerkoles.

Si Lao, na nagbitiw noong Hunyo, ay pinuno ng DBM Procurement Service (DBM-PS) nang bilhin ang diumano’y overpriced na face mask at face shield ng DOH.

The post Avisado ipatawag sa Senate probe ng DOH – Hontiveros first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/avisado-ipatawag-sa-senate-probe-ng-doh-hontiveros/)