Bilang pag-alala sa Filipino politician icon at yumaong senador na si Ninoy Aquino, isang awitin ang inihandog sa kanya ng The Philippine Madrigal Singers.

Sa kantang “Pangarap ng Bayan” nina Gil Yuzon at Noel Espenida, binigyang-diin ang katapangan ni Ninoy sa kanyang pakikipaglaban para sa kalayaan ng bansa.

“Alay sa alala ng tatlong bukod-tanging Pilipino — si NINOY, si CORY at ang kanilang anak na si P-Noy — na nag-iwan sa atin ng tatlong walang pagkupas na pamana,” anila sa panimula ng kanta.


Sa music video din nito, ipinakita ang ilang mga mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng ‘Pinas tulad ng assassination kay Ninoy, EDSA Revoluton, pag-upo ni Cory Aquino bilang unang babaeng pangulo at maging ang kanyang pagpanaw.

“As we remember Ninoy Aquino’s legacy on the anniversary of his death, we are reminded that true and powerful leadership is founded on selfless service. A kind of service that has been exemplified by Cory in her work of restoring democracy and P-Noy in his fighting for the dignity of the Filipino,” saad naman nila caption ng YouTube video.

Ipinakita rin ang ilang kuha kung saan nai-highlight ang pagkapangulo ni Noynoy.

Kasalukuyang may mahigit 2k views na ang naturang video.

Nakatakdang ipagdiwang ang Ninoy Aquino’s Day sa Sabado, Agosto 21. (

The post Bagong awitin para sa Ninoy Aquino’s Day inilabas na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bagong-awitin-para-sa-ninoy-aquinos-day-inilabas-na/)