Patuloy ang good news sa mga motorista!

Magkakasa kasi uli ng rollback ang mga oil company sa bansa sa paparating na linggo.

Ayon sa Unioil Petroleum Philippines, baba mula P0.70 hanggang P0.75 ang presyo kada litro ng diesel mula Agosto 24 hanggang 30.

Baba rin anila ang presyo ng gasolina mula P0.90 hanggang P1.00 kada litro.

Nito lamang nakaraang linggo nang magpairal rin ng rollback ang mga oil company mula P0.30 kada litro ng diesel at P0.40 naman kada litro ng kerosene.

The post Bawas-singil sa petrolyo ikakasa sa susunod na linggo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bawas-singil-sa-petrolyo-ikakasa-sa-susunod-na-linggo/)