Matapos ilahad na kinokonsidera ni dating senador Bongbong Marcos na tumakbo sa pagkapangulo, inilahad ni Senadora Imee Marcos na bukas din sa anomang posibilidad ang kapatid.

Ayon kay Imee, kasama sa tinitingnan ni Bongbong ang pagiging bise presidente at pagka-senador.

“Right now, people are saying that he should run for the presidency, others say the vice presidency, there are others who say ‘mag-Senate ka na lang.’ Sa kapatid ko open lang siya. Sabi ko nga sakanya ‘E magpalakas na tayo’,” pahayag ni Imee ngayong Huwebes sa panayam ng ANC.

Noong Mayo ay naging maugong ang haka-hakang Bongbong Marcos – Sara Duterte tandem sa 2022, matapos kumalat ang larawan ng presidential daughter kasama ang magkakapatid na Marcos.

Ani Imee, bukas din si Bongbong sa posibilidad na mangyari ito.

“He (Bongbong) would be honored to be the vice president or the tandem partner of Mayor Sara, however, right now, it’s such a mix-up he’s also perfectly happy to run for the Senate,” wika ni Imee.

“My brother’s quite open,” dagdag pa ng senadora.

The post BBM-Sara? Bongbong bukas sa ‘lahat’ – Imee first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bbm-sara-bongbong-bukas-sa-lahat-imee/)