Isang bebot ang lumapit sa tanggapan ni Idol Raffy Tulfo dahil nasobrahan na raw siya sa pagkahibang sa vision psychic na si Rudy Baldwin.

Kwento ni Elezen Estores, dating manager ni Baldwin, nabisyon daw sa kanya ng psychic na magiging alkalde siya ng Bulacan.


Lubos daw na na-excite si Estores at paniwalang-paniwala sa bisyon na ito ngunit hindi naman nagkatotoo.

Isa pa sa hula ni Baldwin ay malulunod umano sa baha ang pamilya ni Estores oras na bumuhos ang malakas na ulan sa Bulacan.

Dahil dito, muntik na aniya siyang bumili ng bangka sa takot ng pagkalunod.

Salaysay niya, ang pinakamalalang nagawa niya na siguro ay ang uminom araw-araw ng tubig na may dura ni Baldwin.

Ani Baldwin, pampawala raw kasi ng stress ang laway niya na siya namang kinagat ni Estores.

“Stress akong tao last year. Marami akong problema,” sambit ni Estores.

Lalo naman daw lumala ang pagka-stress niya nang araw-arawin ang pag-inom ng tubig na may laway ni Baldwin.

Sa sobrang hiya, ayaw na raw niyang lumabas ng kanyang bahay.

“Kahihiyan ko po ‘to. Ayoko na nga lumabas eh,” sabi niya.

Hindi naman lumitaw ang manghuhula sa tanggapan ni Tulfo at naglabas na lamang ng pahayag ang kanyang abogado.

“The allegations and accusations against her [Rudy Baldwin] made in public via various [p]latforms are nothing but attemps to discredit and malign her for reasons she do not know of,” saad sa pahayag.

The post Bebot lumaklak ng laway ni Rudy Baldwin: Ang laki ko pong tanga first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bebot-lumaklak-ng-laway-ni-rudy-baldwin-ang-laki-ko-pong-tanga/)