Pinaglalagablab ngayon ni Fil-Am social media sensation at singer Bella Poarch ang music scene sa pag-release ng official music video ng bago niyang awiting ‘Inferno.’

Habang isinusulat ang balitang ito, may 7.8 milyon views na ang video sa YouTube at kasalukuyang #1 trending for music sa naturang site.

Nakakuha ang video ng ganoon karaming views sa loob lamang ng halos 24 oras.

Sa pinned comment ng naturang video ibinahagi ni Bella ang istorya ng kanta, kung saan kasama niyang nag-perform si Sub Urban.

“As a victim of sexual assault, this song and video mean a lot to me. This is something I haven’t been ready to share with you just yet. It’s very hard for me to talk about. But I’m ready now. I decided to express myself by creating a song and video with Sub Urban based on how I wished my experience went. It’s a fantasy I wish was true. I’m looking forward to sharing this with you all,” kwento ni Bella.

Nagkaroon din ng cameo appearances sa video sina Ivana Alawi at Bretman Rock.

The post Bella Poarch reyna uli ng YouTube first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bella-poarch-reyna-uli-ng-youtube/)